ICC lawyer warns Duterte allies’ statements and actions may affect case and accountability issues
Nagdaos ang International Criminal Court (ICC) ng unang status conference para sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan tinalakay ang mahahalagang pre-trial matters tulad ng iskedyul ng paglilitis, presentasyon ng ebidensya, proteksyon ng mga saksi, at partisipasyon ng mga biktima.Hindi dumalo si Duterte sa pagdinig matapos pumirma ng waiver at pinayagan ang kanyang legal team na kumatawan sa kanya.Isa sa pinakamahalagang development ay ang pagtatakda ng ICC Trial Chamber III ng petsa ng paglilitis sa Nobyembre 30, 2026.Inaasahang magpapatuloy ang trial araw-araw hanggang sa court recess.
Gayunpaman, ang aktwal na pagdalo ni Duterte ay nakadepende pa sa resulta ng mga bagong medical examinations na iniutos ng korte dahil sa kanyang edad at posibleng kondisyon sa kalusugan.Tinalakay rin ang dami ng ebidensyang ihaharap ng prosekusyon, kabilang ang plano nitong magpresenta ng maraming testimonya.Nagpahayag ng concern ang hukom tungkol sa bilang ng mga ito, na maaaring umabot sa halos 200, at hinikayat ang mas organisadong presentasyon.Samantala, sinabi ng depensa na handa silang humarap sa paglilitis ngunit nangangailangan pa ng sapat na oras upang masuri ang ebidensya.Pinag-usapan din ang paggamit ng video-linked testimonies at ang pagsusumite ng witness lists bago ang itinakdang deadline.Bukod dito, iminungkahi ng prosekusyon na gawing mas accessible ang proceedings sa pamamagitan ng pagsasalin sa Tagalog.Nagpahayag din ang kinatawan ng mga biktima na nais nilang magsimula agad ang trial at tutol sila sa anumang pagkaantala.
Nakaiskedyul ang mga susunod na status conference sa Hunyo 23 at Hulyo 14 upang ipagpatuloy ang pagresolba sa mga natitirang isyu bago ang paglilitis.