KillBait - News highlights delivered clearly and responsibly—no clickbait, no sensationalism
House bill seeks free autism therapy, monthly allowance, and expanded support services for Filipino families
Photo: gmanetwork.com
2026-05-25 11:07   Politics   14

House bill seeks free autism therapy, monthly allowance, and expanded support services for Filipino families

Isang panukalang batas ang inihain sa House of Representatives upang palawakin ang suporta ng gobyerno para sa mga persons with autism spectrum disorder (ASD) at kanilang mga pamilya.

Inihain ni Deputy Speaker at Bacolod Representative Albee Benitez ang House Bill 3379 o ang Comprehensive National Autism Spectrum Disorder Program Act.

Layunin nitong magbigay ng libreng therapy sessions sa mga pampubliko at pribadong pasilidad, kasama ang iba pang benepisyo para sa mga nasa autism spectrum.Ayon kay Benitez, tinatayang nasa 1.

2 milyong Pilipino at kanilang pamilya ang apektado ng ASD, ngunit marami pa rin ang nahihirapan sa access sa maagang diagnosis, intervention programs, inclusive education, trabaho, at community support.

Dahil dito, maraming magulang ang napipilitang gumastos nang malaki para sa private therapy centers o tuluyang hindi na maipagpatuloy ang therapy ng kanilang anak.

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon din ng libreng developmental assessments, home empowerment programs, at karagdagang leave benefits para sa mga magulang ng batang may autism.Nakapaloob din dito ang pagsusulong ng inclusive education at pantay na oportunidad sa employment para sa mga persons with autism.

Isa sa pinakamahalagang bahagi ng panukala ay ang Autism Support Allowance Program na pamamahalaan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.Sa ilalim nito, makatatanggap ng P4,000 buwanang allowance ang bawat person with autism.Nakasaad din sa bill na maaaring i-adjust ang halaga base sa inflation upang mapanatili ang epekto nito sa kabuhayan ng mga benepisyaryo.

Iginiit ni Benitez na mahalagang kilalanin at suportahan ng gobyerno ang bawat Pilipino, kabilang ang mga nasa autism spectrum, upang mabigyan sila ng dignidad, oportunidad, at mas inklusibong lipunan.

Full reading at gmanetwork.com

2258 
Top Trends
Topics
Top visited